SA gitna ng kalsada, nagtirik ng kanilang pansamantalang masisilungan ang mga residenteng dinemolis ang kabahayan sa Quezon City nitong nakaraang Lunes.
Nabulaga na lamang ang awtoridad nang biglang bumungad sa kanila kaninang umaga, Enero 29 ang mga tagpi-tagping istraktura na inilatag sa mismong center island ng Agham Road.
Ilan sa mga iligal na istraktura ang itinirik malapit sa Court of Tax Appeals at sa Philippine Children’s Medical Center.
Ayon sa mga naapektuhang residente ng demolisyon na nagtayo ng istraktura sa naturang center island ay hindi sila binigyan ng opsyon para sa relokasyon.
Naging marahas nitong nakaraang Lunes ang paglalatag ng demolisyon sa kabahayan ng informal settlers sa nasabing lugar na ikinasugat ng mga residente at pulisya.
Nambato ang mga residente ng molotov bomb, bote ng softdrinks at maging dumi ng tao sa mga miyembro ng demolition team pero hindi rin napigil ang paggiba sa mga kabahayan.
The post Pinalayas na Agham residents, namahay sa road center island appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment