Wednesday, January 29, 2014

Gas station sa QC, biktima ng riding-in-tandem

NATANGAYAN ng salapi ang isang gasoline station makaraang holdapin ng riding-in-tandem sa kanto ng Cagayan Street sa Congressional Avenue, Quezon City, kaninang ng madaling-araw.


Salaysay ng kahera ng Caltex station na si Jovie Agustin, pasado alas-2:00 ng madaling-araw bago mangyari ang insidente, may dumaang mobile ng pulis at nagbiling huwag kalimutang tumawag sakaling may mangholdap.


Makalipas ng 30 minuto, may dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang nagdeklara ng holdap sa gasoline station.


Natangay ng mga suspek ang P7,000 kita ng gasolinahan.


Ayon pa sa kahera, sinira ng mga suspek ang pinto sa cashier area dahil ini-lock pa ito ng babae nang makita ang mga armadong suspek.


Maswerte namang walang nasaktan sa insidente.


The post Gas station sa QC, biktima ng riding-in-tandem appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Gas station sa QC, biktima ng riding-in-tandem


No comments:

Post a Comment