UMAABOT na sa 41 ang namatay sa nagaganap na sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter sa Mindanao at North Cotabato.
Kinumpirma ngayon ng Philippine Army sa pamamagitan ni Col. Dickson Hermoso, spokesman ng Philippine Army na 40 rito ay miyembro ng BIFF habang isa sa panig ng sundalo.
Ayon kay Hermoso, 13 na rin ang sundalong sugatan na ginagamot sa mga pagamutan ng militar.
Maliban sa mga napatay, nakubkob na rin ng militar ang pinagkukutaan ng mga MILF breakaway group na ginagawang gawaan ng mga pampasabog.
Mula kagabi, nagpapatuloy pa ang operasyon ng mga sundalo para makuha ang grupo ni Ameril Umbra Kato na may clearance o kaukulang koordinasyon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang kaguluhan ay nagsimula pa noong Linggo matapos lamang malagdaan ang Normalization Annex ng Bangsamoro Framework Agreement sa MILF.
The post UPDATE: 41 na ang patay sa Mindanao clashes appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment