Thursday, January 30, 2014

Bagyong Basyang lumakas pa

LALO pang lalakas ang hampas ng bagyong Basyang sa Visayas at Mindanao na namataang papalapit na sa kalupaan.


Sa katunayan, ilang lalawigan na ang isinailalim sa signal number 2.


Ayon sa PAGASA, kung hindi mamayang gabi ay bukas ng umaga ang landfall o tatama ang sentro ng bagyo sa pagitan ng Eastern Visayas at Mindanao ngunit dahil sa lawak ng sirkulasyon ng bagyo, bago mag-alas sais mamayang gabi ay magpaparamdam na ito.


Kaninang madaling-araw ay natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 768 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.


Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna, habang umusad pakanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.


Sa ngayon lalo pang dumami ang mga lugar na nasa signal number one, na kinabibilangan ng Southern part of Samar, Southern part of Eastern Samar, Leyte, Biliran, Southern Leyte, Camotes Island, Cebu, Negros Provinces, Siquijor Island, Bohol, Surigao del Norte, Siargao Island, Surigao del Sur, Northern part of Agusan del Sur, Agusan del Norte, Camiguin Island, Dinagat Province at Misamis Oriental.


Dahil dito nagbabala ang Pagasa sa mga residente na paghandaan ang malalakas na ulan na maaaring humantong sa mga pagbaha at paguho ng lupa.


The post Bagyong Basyang lumakas pa appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyong Basyang lumakas pa


No comments:

Post a Comment