Thursday, January 30, 2014

Utang ni Pacman sa BIR P2-B pa rin

MARIING pinanindigan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na halos P2 bilyon pa rin ang utang sa buwis ng boxing icon at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.


Ito ay sa kabila nang pagbayad ni Pacquiao ng P32 milyon sa BIR kamakailan.


Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, pinal na ang kanilang computation na P2.2 bilyon ang tax deficiency ng dating kampeon.


Binigyang diin ni Henares na ang ibinayad ni Pacman ay kabayaran lamang sa value added tax (VAT) surcharges na bahagi ng utang sa buwis ng kongresista para sa taong 2008 at 2009.


Napag-alaman na una nang nagpalabas ang BIR ng “warrant of distraint and levy” laban sa mga bank account ni Pacman dahil sa hindi pagbayad ng tamang buwis.


Dahil sa nasabing kautusan ay hindi maaaring magamit ni Pacquiao ang kanyang pera sa mga bangko na sakop ng nasabing direktiba.


Iginiit naman ni Pacman na nagbayad siya ng tamang buwis mula sa kaniyang mga laban kay Ricky Hatton, Oscar de la Hoya, David Diaz at Miguel Cotto sa Estados Unidos, na may inisyu pa aniyang dokumento ang kanyang promoter na Top Rank na isinumite sa BIR para patunayan na naibawas ng US Internal Revenue Service ang buwis mula sa kanyang kinita.


The post Utang ni Pacman sa BIR P2-B pa rin appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Utang ni Pacman sa BIR P2-B pa rin


No comments:

Post a Comment