Friday, January 31, 2014

Vhong, maga ang utak

AYON kay Chito Roño, takot pa ring mapag-isa si Vhong Navarro. Matindi raw kasi ang trauma na inabot nito sa ginawang pambubugbog sa kanya at pananakot ni Cedric Lee at grupo nito na humantong sa pagsasampa niya ng mga kasong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threats, grave coercion and blackmail laban sa mga ito kabilang ang pinagmulan ng gulo na si Deniece Cornejo.


Maaaring ang mga sugat niya ay maghilom agad pero ang trauma ay matatagalan bago mawala. At lagi nga raw nire-request ng host na sana’y laging nasa kanyang tabi ang kanyang mga kaibigan.


“Physically he is getting better. Siguro, I would say may moments pa siyang nararamdaman niya ‘yung trauma niya. Natatakot pa rin siyang mag-isa. Gusto niya may kaibigan palagi siyang kasama, kausap,” sabi pa ni Direk Chito.

Nagwo-worry din ang pamilya ni Vhong sa tama nito sa ulo kaya kailangan daw i-check itong mabuti, baka raw may namaga sa brain nito.


“We’ve been advised ‘yung sa head to check it thoroughly, mas magandang ngayon pa lang matingnan na kung may namaga sa brain niya mismo,” ayon pa sa batikang direktor.


***

Nagpaka-actress sana…

INTERBYU NI GRETA KAY BOY ABUNDA, FLOP!


NATAONG kasabay ng exclusive interview ni Gretchen Barretto sa kanyang manager na si Boy Abunda sa programa nitong “Buzz ng Bayan” ang kontrobersyal na panayam naman nito sa dancer/host/comedian na si Vhong Navarro sa dinanas nitong pambubugbog sa mga kamay ng grupo ni Cedric Lee kaya pinagtawanan si Gretchen ng mga fan ni Claudine Barretto dahil tila hindi napansin ang pagpakaaktres nito nang buong ningning itong lumuha habang binabanggit ang katagang, “I don’t hate Claudine…I hate what she’s doing,” ani Gretchen at sabi pa nitong, “I want the old Claudine to be back.”


Eh, paano ngang makababalik ito sa dating kalagayan kung patuloy niya itong sisiraan sa publiko. Bukas naman ang kanyang bunsong kapatid sa ideyang pakikipagbati sa kanyang mga kapatid at maging ang kaalitan nitong mister na si Raymart Santiago.


Kung nakaiintindi at talagang nagmamalasakit itong panganay na si Greta sa kanyang bunso, siya na dapat gumawa ng hakbang para magkabati sila. Kapag ginawa niya ito, ang aandap-andap niyang career ay tiyak na mabubuhay at maging ‘yang pagkanegatibo ng kanyang pagkatao ay mawawala sa paningin ng publiko. At mas lalo siyang hahangaan kung ang kanyang mga magulang ay batiin n’ya na rin. Try mo lang Gretchen, at siguradong luluwag ‘yang pakiramdam mo.


***

MAY BALLS BA SINA JAKE CUENCA AT JOHN LLOYD PARA HARAPIN SI CEDRIC LEE?


AYAW na raw magsalita ni David Bunevacz tungkol sa nangyari sa kanya noong dukutin siya at bugbugin ng grupo ni Cedric Lee. Hanggang ngayon daw ay takot pa rin ito. Ang maaaring sumuporta raw kay Vhong para patunayan ang pagkasiga at pagkamaton nitong si Lee ay sina John Loyd Cruz at Jake Cuenca na nabugbog din daw ng una at mga kasama nito sa isang bar.


Kung totoo ito, may balls ba sina Jake at John Lloyd para suportahan ang kanilang kaibigan at kasamahan sa ABS-CBN? Tutal naman nakahanda raw sumuporta si Kris Aquino kay Vhong, sumama na rin sila para lalong lumakas ang laban.


***

For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Vhong, maga ang utak appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Vhong, maga ang utak


No comments:

Post a Comment