Wednesday, January 29, 2014

Ginang tinaga sa leeg ng kalaguyo sa Cebu

HALOS maputol ang ulo ng isang ginang matapos tagain ng kanyang kalaguyo sa Brgy. Lengigon sa Argao, Cebu.


Kinilala ang biktima na si Amanda Embudo, 31, habang ang suspek ay mismong kalaguyo nito na kinilalang si Rowel Gomez.


Sa inisyal na imbestigasyon, nalaman umano ng suspek na tumestigo si Embudo sa kaso na kinasangkutan nito kaugnay sa pagnanakaw ng niyog.


Maliban sa tama ng taga sa leeg, may malalalim na sugat ang biktima sa balikat, kamay at iba pang parte sa katawan.


Bagama’t naisugod pa sa ospital, idineklara rin ng mga doktor na dead on arrival si Embudo.


Sa ngayon ay patuloy pa ang ginawang hot pursuit operation ng mga pulis sa suspek para mapanagot sa krimen.


The post Ginang tinaga sa leeg ng kalaguyo sa Cebu appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ginang tinaga sa leeg ng kalaguyo sa Cebu


No comments:

Post a Comment