Wednesday, January 29, 2014

Travel agency pinasabugan sa Pasay

HINIHINALANG riding-in-tandem ang nagpasabog sa isang travel agency sa Pasay kaninang madaling-araw.


Nabatid sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, riding-in-tandem ang responsable sa pagpapasabog sa Jam Travel Services na nasa Apollo St. kanto ng Airlane St.


Batay sa nakuhang CCTV, alas-1:54 ng madaling-araw nang may magkaangkas na lalaki sa motorsiklo ang nagmamasid paligid ng opisina.


Bandang alas-1:58 nang tumambay sa kalapit na waiting shed ang dalawang suspek at bumaba ang isang angkas, saka lumapit sa travel agency.


Binasag nito ang glass door at inihagis ang granada sa loob.


Wala pang 3 segundo ay sumabog na ito kasabay ng pagtakas ng riding-in-tandem.


Ayon kay P03 Randy Fortuna, batay sa mga narekober na bahagi ng granada, isa itong MK2 hand grenade.


Gayunman, posibleng pinalitan ang laman nito at ang shell lamang ng MK2 ang ginamit. Ito’y dahil malakas na pampasabog ang MK2, taliwas sa nangyari sa travel agency na hindi gaanong kalakasan o halos umusok lamang.


Ayon naman sa may-ari ng Jam Travel Services na si Jennifer Alba, blangko sila sa motibo sa krimen dahil wala naman silang kaaway.


Isang lalaki naman ang hawak ngayon ng pulisya matapos makita malapit sa pinangyarihan ng pagsabog na kahina-hinala ang ikinikilos.


The post Travel agency pinasabugan sa Pasay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Travel agency pinasabugan sa Pasay


No comments:

Post a Comment