Thursday, January 30, 2014

UPDATE: Navarro case lumilinaw na

UNTI-UNTI nang lumilinaw ang kasong kinasasangkutan ni TV host Vhong Navarro matapos isa-isang dumating sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kinatawan ng mga personalidad na posibleng magbigay linaw dito.


Sa report, nagpakita na ang abogado ni JP Calma, ang lalaking kasama ng grupo ni Cedric Lee sa elevator.


Tiniyak ng abogado na darating si Calma sa Pebrero 6.


Dumating din sa opisina ang tagapagtanggol ni Soledad Ramos, ang may-ari ng condominium na tinitirhan ni Deniece Cornejo ngunit hindi nito nilinaw kung kailan sisipot si Ramos.


Muli itong pinadalhan ng subpoena ng NBI pati na ang tatlong sekyu ng condominium.


Hinihintay pa ng NBI sina Zhimmer Ran at Jed Hernandez na kasama rin sa grupo ni Lee na sinasabing nambugbog kay Navarro.


Tatlong hindi pa nakikilalang suspek ang inaalam ng awtoridad.


The post UPDATE: Navarro case lumilinaw na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Navarro case lumilinaw na


No comments:

Post a Comment