Friday, January 31, 2014

Bebot inatake sa puso sa QC fire

HINDI sa pagkatusta o supokasyon, kundi namatay sa atake sa puso ang isang babae habang dalawa ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa kanilang lugar sa Quezon City kaninang madaling-araw, Pebrero 1.


Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan sanhi ng atake sa puso ang biktimang si Cherry Samonte, ng Barangay Pasong Tamo, QC.


Nagtamo naman ng lapnos sa kamay at paa ang dalawang residente na hindi nakuha ang mga pangalan.


Sa ulat, naganap ang insidente ala-1:45 ng madaling-araw sa bahay na pag-aari ng isang Amy Taybocsin na inookupa naman ni Rosario Austria.


Ayon kay QC Fire Marshall Supt. Hesus Fernandez, bukod sa kaswalidad ay may 144 pamilya ang naapektuhan ng sunog.


Dahil may kasikipan ang naturang lugar at makapal na ang sunog, sinira ng mga residente ang pader ng kalapit na Himlayang Pilipino cemetery at doon dumaan palayo sa nasusunog na mga kabahayan.


Aabot sa P2 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog na umabot sa ikatlong alarma bago naapula.


The post Bebot inatake sa puso sa QC fire appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bebot inatake sa puso sa QC fire


No comments:

Post a Comment