Wednesday, January 29, 2014

8 bayan, 1 lungsod aatakehin ng BIFF

INALERTO ngayon ng militar ang walong bayan at isang lungsod sa Central Mindanao laban sa posibleng paglunsad ng karahasan ng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).


Kabilang sa mga lugar na inilagay sa “red alert” ay ang Midsayap, Kabacan, M’lang at Tulunan sa lalawigan ng Cotabato; Isulan, Sultan Kudarat, Shariff Aguak, Maguindanao at ang Tacurong City.


Nangangamba ang pamunuan ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao na maaaring magpasabog ng mga improvised explosive device (IEDs) ang mga kasapi ng BIFF sa mga lugar upang mailihis ang atensyon ng tropa ng gobyerno na humahabol sa kanilang grupo.


Inihayag naman ni Col. Dickson Hermoso, tagapagsalita ng 6th ID na handa silang umapela sa grupo ng BIFF na iwasan ang panghaharas sa mga lugar ng mga sibilyan na maaaring magresulta sa pagsilikas ng mga residente at maapektuhan ang umaangat na ekonomiya ng rehiyon.


Samantala, nagpapatuloy ang relief operation ng North Cotabato Province sa mga pamilya na apektado ng kaguluhan na nananatili ngayon sa mga evacuation center.


Sinabi ni North Cotabato Gov. Lala Mendoza na minomonitor nila ang kalagayan ng mga evacuees sa mga apektadong lugar.


Una na rin na nagsagawa ng flu vaccination ang provincial health office ng North Cotabato kahapon sa mga evacuees upang hindi lumala ang sakit ng mga ito.


The post 8 bayan, 1 lungsod aatakehin ng BIFF appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



8 bayan, 1 lungsod aatakehin ng BIFF


No comments:

Post a Comment