HINDI kuntento ang Malacañang sa panukalang batas na inihain sa Kamara para bigyan ng emergency powers si Pangulong Noynoy Aquino para makapagtayo ng mga government-owned power plants at suspendihin ang Value-Added Tax (VAT) sa kuryente.
Ipinahayag ni Communications Sec. Sonny Coloma, malinaw ang posisyon ni Pangulong Aquino na hindi pa kailangan ang emergency powers.
Ayon kay Coloma, hayaan na lamang sa mambabatas na magsagawa ng deliberasyon sa merito ng panukala at hintayin ang kanilang desisyon.
Una rito, inihain ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, kaalyado ni Pangulong Aquino ang House Bill 3743 para makapag-negotiate sa kontrata kaugnay sa pagtatayo ng mga power plants na patatakbuhin ng gobyerno.
The post Emergency powers ibinasura na ni PNoy appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment