MASAYA itong isyu ng pambubugbog kay comedian/TV host Vhong Navarro.
Mantakin n’yo, habang nagbabakbakan ang mga militar at rebelde sa Mindanao, nae-entertain tayo ng kaso ni Vhong.
Ang Pinoy ay gusto pang magbasa at manood ng makapagpapasaya sa kanila kaysa alamin ang nagiging masalimuot na lagay ng ating bansa. Sakit lang sa ulo kasi kung pulos kurakutan, patayan at giyera ang mapapanood at mababasa.
Hindi na tayo nagtataka sa nangyari kay Vhong. Sadyang ganyan sa showbiz, masalimuot ang mundo.
Sila-silang mga artista ay nag-aaway dahil sa babae o lalaki.
Sa showbiz, mababalita na naghihiwalay ang mga mag-asawa dahil may iskandalo. Kaysarap nga raw sa showbiz kasi’y mabilis magpalitan ng karelasyon at asawa.
‘Yun bang matapos magtikiman at magsawa, tapos na. Hiwalay na.
Tinatanggap ng mga artista na maiskandalo ang buhay nila basta makatutulong sa kanilang publicity.
Pagkatapos ng iskandalo, ilang buwan lang na mapag-usapan ay parang wala nang nangyari.
Si Presidential sister Kris Aquino ay muling minahal ng kanyang tagahanga kahit pa naiskandalo ang kanyang buhay. Kung kani-kaninong lalaki siya napunta. Ang pinakagrabe nga ay ang relasyon niya kay Joey Marquez, dating basketbolista, komedyante at alkalde ng Parañaque.
Binubugbog umano siya ni Marquez at hinawahan pa ng sakit na tulo. Playboy at kung sino-sino kasi ang babae ni Joey.
Marami pa ang napakasasayang iskandalo sa showbiz na ating nasubaybayan. Huwag na tayong magtaka na nabugbog si Vhong Navarro. Sa halip, gawin itong leksyon hindi lang ng mga artista kundi ng lahat ng lalaki.
Una, huwag kakain ng hindi mo pagkain. Baka mabilaukan ka at may babatok sa ‘yo.
Huwag sasabit. Dahil sa mga dyip, bawal ang sabit at ihuhulog ka. Huwag sasakay sa hindi mo kotse, makakasuhan ka. Carnapping ‘yun.
Huwag papasok sa hindi mo bahay, mati-tresspassing ka. Kakatok sa pinto bago pumasok dahil may sasalubong sa ‘yong suntok.
Huwag kang iipot sa bakuran ng iba. Bugbog ka talaga.
At siyempre, huwag mambibitin…Kasi sabi nga ni Deniece Cornejo…”you’re bad!”
Bugbog ka na naman.
Ang pinakapunto ng lahat ng ito, kapag may syota e, ‘wag mo nang pakialaman.
Dila mo lang ang walang latay.
The post LEKSYON KAY VHONG NAVARRO appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment