Friday, January 31, 2014

KAWALAN NG PAGKAPANTAY-PANTAY, BANTA SA DEMOKRASYA-2

square-nelson-flores BILANG karagdagan, ang kawalan ng pagkukunan ng kabuhayan ng mga mahihirap ay nauuwi sa kabiguan na bigyan ng dekalidad na edukasyon at disenteng pamumuhay ang kanilang mga anak at mahal sa buhay. Bukod dito, ito ay lalo lamang nagpapalubha sa mababa na nilang IQ at EQ.


Ang kawalan ng edukasyon para sa isang nagugutom nang dahil sa kahirapan ay kawalan din ng kakayahang gumawa ng mga tamang pagpapasya. Dagdagan pa natin ito ng karamdaman at magiging imposible na nga para sa isang mahirap na gumawa ng kahit ano o magpasya kahit sa mga simpleng bagay lamang.


Sabi ni Benjamin Franklin, “It is in the religion of ignorance that tyranny begins.” Kapag labis ang kahirapan, ang tao ay nagiging bobo at nagkakaroon ng karamdaman dahilan upang manaig ang mga mayayamang tirano.


Sa kabilang banda ay walang ganitong problema ang mga mayayaman. Nasa kanila ang pagkukunan kaya madali sa kanila ang bumili ng maayos na pagkain, mahusay na edukasyon, at kalingang medikal.

Kadalasan ay mataas ang kanilang IQ bagama’t naniniwala ako na dahil naman sa kanilang pagiging ganid ay mababa rin ang kanilang EQ. Ang kanilang pagiging gahaman ang nagsisilbing lakas upang sila ay magkamal pa ng lalong yaman. Ang nililikhang gawak nito sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap ay siya ring gawak sa kanilang kakayahan na impluwensyahan ang mga pul-politiko at mga mangangalakal na nasa poder.


Sa ating bayan, tanging ang mga mayayaman lamang ang may mahusay na edukasyon at kalingang medikal. Ang edukasyon at kalusugan ay luho para sa karamihan ng mga mamamayan na ang tanging kaya lamang gawin ay pangarapin ang mga ito, maliban na lamang kung magkakaroon ng pagbabago sa kasalukuyang siste. Dahil walang kakayahan pagdating sa ekonomiya, edukasyon at kalusugan ang laksa nating mga kababayan, ang demokrasya sa ating bayan ay nagiging hungkag. Tanging ang mga mayayaman lamang ang nagtatamasa nito. Sa katunayan, sila lamang ang may impluwensya sa ating buhay pang ekonomiya at pulitika.


Sabi nga ni Pangulong Franklin Delano Roosevelt ng Amerika: “Democracy cannot succeed unless those who express their choice are prepared to choose wisely. The real safeguard of democracy, therefore, is education.”


* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, Barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.


Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa infinity_resort@yahoo.com para sa karagdagang impormasyon.


The post KAWALAN NG PAGKAPANTAY-PANTAY, BANTA SA DEMOKRASYA-2 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



KAWALAN NG PAGKAPANTAY-PANTAY, BANTA SA DEMOKRASYA-2


No comments:

Post a Comment