2014 promises to be an exciting year. There’s something for everyone. Masaya ang showbiz para sa lahat ng nagmamahal sa tunay na diwa ng buhay artista.
Ryzza Mae Dizon and James “Bimby” Aquino Yap are the hottest kids in showbiz. Si Ryzza, eh, talagang mgaling sa kabilang channel. Si Bimby, eh, ewan lang kung ano ang kaya. Ha ha, ha! Saganang-sagana sa publicity at TV coverage maski na minsan feeling mo, eh, nakasusuka na rin. Ha, ha, ha! Marami pang iba riyan na mas magaling pero ‘di nga lang napapansin. Stage mother na stage mother ang dating ni Kris.
Angel Locsin seems more appealing dahil single na naman. Dahil walang nakabakod, bagay s’yang itambal maski kanino at may konting paduda nga na baka may mabuong romansa with leading men. Aabangan ng marami ang kanyang TV soap with Jericho Rosales and JC de Vera. Plus pagalingan sila ni Maja Salvador sa pag arte.
Kim Chiu and Xian Lim are together again in Bride for Rent. Kung kilig si Kris Aquino in interviewing them sa kanyang TV show, marami naman ang talagang umaasa na sila na nga in the future. There is something true, sweet and genuine affection between them. Kim is a huge star. Xian is multi-talented maski na inaaway pa ng iba. They deserve happiness.
JC de Vera is the man to watch this year. Hanep sa dating at sana, eh, magtagumpay sa Channel 2 para madagdagan pa ng bankable leading man. Handsome face, sexy body at mukha namang may ibubuga sa acting department. Kaya lang baka naman mga bading na co-actors din ang magkagusto at mag-intriga sa kanyang buhay ru’n. Ha, ha, ha!
Joel Torre and Noni Buencamino are just simply perfect actors for their roles in “Honesto”. Parang kakaiba sa image ni Joel ang ganitong papel na talaga namang pinatunayan niya ang kanyang husay. Magaling ang casting director sa pagkuha sa kanya. Si Noni ay super nakabibilib sa kanyang monologue sa eksenang nagre-reminisce sa kanyang namatay na anak sa sementeryo. Simpleng eksena pero talaga namang nagpataas pa ng respeto namin sa kanya bilang aktor.
Arjo Atayde is superb as PMPC Star Awards 2013 Best Supporting Actor for Television. Long hair with make-up s’ya sa sa kauna-unahang gay role niya sa telebisyon para sa MMK on Saturday, January 4. Isang bakla ang role ni Arjo sa Gay Parent sa direksyon ni Raz dela Torre. He plays a bading parent na romantically involved kay Felix Roco na dapat, eh, laging bida sa TV. Kasama sina Assunta de Rossi, Dindo Arroyo at Ella Cruz.
Papaano niya bubuhayin at ipaglalaban ang kanyang pamilya ang siyang tatalakayin. After portaying his first gay role on television, magandang karanasan ito para sa aktor para maintindihan pa lalo ang kanyang gay friends at ang mga bading in general. Take note that her mom actress Sylvia Sanchez is also a gay icon.
“I have huge respect sa mga gays. I grew up with them. Most of my mom’s friends ay gay kaya no problem lang. Mas tumaas pa lalo ang respect ko sa kanila after my MMK role, kuwento niya. This is his third MMK anthology na nilabasan niya. The first was the Bangka episode kung saan hinirang s’ya as PMPCs New Male TV Personality dahil sa kanyang galing.
The post Mahusay na aktor pero masyadong underrated! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment