Saturday, November 2, 2013

YouTube Music Awards, ilulunsad

NEW YORK (Reuters) – Kailangan pa nga ba ng mundo ang isa pang music video awards show? Ang sagot? Yes — ayon sa YouTube. Ilulunsad ng online video-sharing site ang una nitong YouTube Music Awards ngayong Linggo, sa show na magtatambal sa mga sikat na music artist gaya ni Lady Gaga at ng Arcade Fire sa performers mula sa website na pag-aari ng Google.



Inaasahang makatutulong ang show sa higit pang pagpapaangat sa YouTube ilang linggo bago ang inaasahang paghahayag ng website ng subscription service nito na makikipagkompetensiya sa crowded nang music marketplace.


Hosted ng performance artist na si Reggie Watts at ng aktor na si Jason Schwartzman, iba ang mga awards category ng YouTube awards mula sa Grammys o sa MTV Music Video Awards. Pararangalan din ng YouTube ang video of the year at artist of the year, na kabilang sa mga nominado sina Justin Bieber, Selena Gomez, Eminem, Katy Perry at iba pang top-40 mainstays.


Ngunit may mga bagong kategorya, gaya ng Response of the Year para sa may pinakamahusay na fan remix, parody o response. Pararangalan din ang YouTube phenomenon, breakthrough at innovation of the year.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



YouTube Music Awards, ilulunsad


No comments:

Post a Comment