Saturday, November 2, 2013

Kar 11:22—12:2 ● Slm 145 ● 2 Tes 1:11—2:2

Pumasok si Jesus sa Jerico at dumaan sa siyudad. At may isang taong nagngangalang Zakeo na pinuno ng mga kolektor ng buwis at napakayaman. Pagdating ni Jesus sa lugar na iyon, tumingala siya at sinabi sa kanya: “Zakeo, sa bahay mo nga ako dapat tumigil ngayon.” Tinanggap ni Zakeo si Jesus Inireklamo naman sa isa’t isa ng lahat ng nakakita rito: “Sa bahay ng isang lalaking makasalanan siya nakituloy.” Ngunit tumayo si Zakeo at sinabi sa Panginoon: “Panginoon, ibibigay ko sa mga dukha ang kalahati ng aking mga ariarian…” At sinabi sa kanya ni Jesus: “Dumating ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito.”


PAGSASADIWA

Bigyang-puwang ang pag-ibig ng Diyos – Ang totoong nagbibigay ng puwang sa Diyos sa kanyang buhay ay hindi humihintong magmahal; sa halip, mas lalo pa siyang nagmamahal dahil ang pagibig na kanyang tinanggap mula sa Amang mapagmahal ay patuloy na dadaloy at wala itong pupuntahan kundi ang mag mahal pang lalo ng iba. Ngunit sa pagkakataong ito, tulad ni Zakeo, ang pagmamahal natin ay mapagpalaya at mapagbigay; pagmamahal na iniisip ang ikabubuti ng minamahal.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kar 11:22—12:2 ● Slm 145 ● 2 Tes 1:11—2:2


No comments:

Post a Comment