Saturday, November 2, 2013

SINO ANG NO. 1 PICK

Slaughter, napupusuan ng Barangay Ginebra; iba pang hopefuls, kakaliskisan ngayon

Ni Marivic Awitan


Malalaman na ngayon kung sino ang magiging No. 1 overall pick at kapalaran ng may 79 rookie draft applicants sa idaraos na Philippine Basketball Association (PBA) Annual Draft para sa 39th season ng liga na gaganapin sa Robinson’s Place sa Ermita.



Nakatakdang pangunahan ng bagong PBA chairman na si Ramon Segismundo ng Meralco at ni PBA Commissioner Chito Salud ang gaganaping event na magsisimula sa alas-4:00 ng hapon.


Unang pipili at siyang may karapatan para sa top pick ang Barangay Ginebra San Miguel na naunang nagpahayag ng kanilang intensiyon na makuha ang serbisyo ng dating Ateneo center na si Greg Slaughter mula sa record na bilang ng mga aplikante na itinuturing na punom-puno ng talento.


Kung hindi magbabago ang kanilang isip, si Slaughter ang magiging ikalawang sunod na sentro na tatanghaling top pick magmula nang magsimulang magdaos ng draft ang liga noong 1985 kasunod ni Junemar Fajardo na kinuha ng Petron noong nakaraang taon.


Matapos ang Ginebra, susunod na pipili ang reigning Governors’ Cup champion San Mig Coffee na susundan naman ng Rain or Shine.


Sa mga naunang naglabasang ulat, tila napupusuan ni coach Tim Cone ang dating NCAA MVP na si Ian Sangalang ng San Sebastian College habang napipisil naman ng Elasto Painters ang isa pang big man at nakatakdang koronahan bilang NCAA Season 89 MVP at Defensive Player of the Year na si Raymund Almazan ng Letran.


Pagkatapos ng tatlong naunang koponan, hawak naman ng Barako Bull ang susunod na tatlong picks mula sa No. 4 hanggang No. 6.


Kasunod ang Globalport na aasintahin ang No. 7 sa first round, ang Alaska naman ang may hawak sa No. 8, Rain or Shine ulit sa No. 9 at San Mig sa No. 10.


Walang first round picks ang Petron, Air21, defending Philippine Cup champion Talk ‘N Text at ang Meralco Bolts.


Buhat sa unang bilang na 85 mga aplikante, bumaba sa 79 ang draft hopefuls matapos na mag-withdraw ng apat habang hindi naman tinanggap ang iba kasunod ng kabiguang dumalo sa tradisyunal na rookie biometrics ng wala namang malinaw na dahilan.


Kabilang sa mga nag-withdraw ay sina Mar Villahermosa at Jeff Viernes habang naalis naman dahil hindi dumalo sa biometrics sina Japs Cuan, Mark Berry, Franz Delgado, at Jumel Chien.


Maliban sa tatlong naunang nabanggit na mga big man, kabilang din sa mga matutunog ang pangalan na posibleng makuha sa draft ang mga dating collegiate at D-Legaue talents standouts na sina reigning UAAP MVP Terrence Romeo, RR Garcia, Jerick Teng, Nico Salva, James Forrester, Jerick Fortuna, Ryan Buenafe, Jett Vidal, Carlo Lastimosa, JR Cawaling, Justin Chua, Alex Nuyles, Nate Matute, Mike Parala at Eliud Poligrates.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



SINO ANG NO. 1 PICK


No comments:

Post a Comment