Saturday, November 23, 2013

YOLANDA AT BOHOL

Lubos na nagpapasalamat si Bishop Varquez ng Diocese ng Borongan, Eastern Sanmar sa inihatid na tulong ng Caritas Manila, Archdiocese of Manial, CBCP-NASSA, at Quiapo Church sa pamamagitan ng Radyo Veritas para sa mga biktima ng bagyong Yolanda partikular na sa Guiuan at Eastern Samar. Aniya, uunahin nilang paglalaanan ng tulong ang limang barangay ng Guiuan, at ang mga bayan ng Hernani at Balacayan. Patuloy pa rin silang nananawagan para sa karagdagang tulong sapagkat marami pang lugar ang hindi naaabot ng ayuda at marami ring pangangailangan ang mga biktima.


Mga taga-Tacloban, malakas pa rin ang pananalig sa Diyos. ● Matapos mag-iwan ng matinding pinsala si “Yolanda”, nananatiling malakas ang pananampalataya ng mga taga-Tacloban. Ayon kay Msgr. Alex Calumpiano, social action center director ng Archdiocese of Palo na nakakasakop sa Tacloban, araw-araw din silang nagmimisa marami ang mga nagsisimba. Pahayag pa ng pari, kailangang patuloy na kumapit sa Panginoon sa kabila ng pagsubok. “Three times ang misa namin everyday dito at marami ang nagsisimba na patuloy na kumakapit sa Diyos para sa kanilang pagbangon, patuloy naman ang dating ng relief,” pahayag ni Msgr. Calumpiano sa panayam ng Radyo Veritas. Sinabi naman ni Fr. Tony Navarette na nasa Tacloban ngayon mula sa San Juan Nepomuceno parish sa Malibay Pasay City na naipamahagi na ang 5,000 relief goods sa ilang bayan na sakop ng Archdiocese of Palo gaya ng Dagami, Pastrana at Tabontabon.


Huwag kalimutan ang mga biktima ng lindol. ● Bagamat kaisa siya sa paghihirap at pagdadalamhati at pagbangon ng libu-libong biktima ng bagyong Yolanda sa Visayas region, umaasa si Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso na hindi rin makakaligtaan at makalimutang tulungan ng pamahalaan ang mga biktima ng lindol sa Bohol, Cebu at Siquijor, mga nasalanta ng bagyo sa Northern Luzon at mga residenteng apektado ng standoff sa Zamboanga. Inamin ni Bishop Medroso na hindi pa rin normal ang sitwasyon o kalagayan sa lalawigan ng Bohol dahil marami pa ring kalsada, mga tulay, mga gusali at mga paaralan ang winasak ng lindol. Nilinaw pa niya na mahalagang mabigyan ng karampatang tulong ang mga biktima ni Yolanda ngunit kailangan ding bigyan ng atensiyon ang mga biktima ng nagdaang kalamidad na hindi pa rin nakakabangon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



YOLANDA AT BOHOL


No comments:

Post a Comment