Saturday, November 23, 2013

Makeshift polling centers gagamitin sa eleksiyon

IPINAHAYAG ng Commission on Elections (COMELEC) na gagamit sila ng mga makeshift polling center sa idaraos na special barangay elections sa Bohol bukas, Nobyembre 25.


Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes Jr., inaprubahan ng poll body ang pagtatayo ng makeshift polling centers dahil ilan sa mga paaralan sa lugar sa lalawigan ay nasira ng lindol na tumama sa Visayas at Mindanao noong Oktubre 15.


Naghanda rin naman ang COMELEC ng mga lampara na gagamitin pagdating ng gabi para sa gagawing bilangan ng boto dahil naapektuhan din ng lindol ang linya ng kuryente doon.


Ipinaliwanag ni Brillantes na walang magiging problema sa botohan sa umaga ngunit mahihirapan pagdating sa canvassing ng mga boto pagsapit ng gabi.


Matatandaang isa ang Bohol sa niyanig ng 7.2 magnitude na lindol na sumira sa malaking bahagi nito, at naging dahilan upang magpasya ang COMELEC na ipagpaliban ang eleksiyon sa lalawigan na may 799,089 rehistradong botante.


Bukod sa Bohol, magdaraos din ng special barangay elections sa Zamboanga City, na may 412,661 registered voters.


Hindi natuloy ang barangay elections sa Zamboanga City noong Oktubre 28 dahil sa naganap na sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front (MNLF).


The post Makeshift polling centers gagamitin sa eleksiyon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Makeshift polling centers gagamitin sa eleksiyon


No comments:

Post a Comment