Saturday, November 23, 2013

PACQUIAO VS RIOS NGAYON

Makikipagsagupa ngayon ang Pambansang Kamao ng Pilipinas laban sa mas bata at mas malaking si Brandon Rios sa Venetian Macau Resort and Hotel sa Cotai Island, Macau. Sa labang ito ni Manny Pacquiao ay malalaman niya at ng lahat kung siya ay makababalik pa sa larangan ng boksing upang angkinin ang dating karangalan o siya ay tuluyang magreretiro upang magpokus na lang sa pulitika at sa Bible reading bilang isang pastor. Ano sa palagay mo kaibigang Recah Trinidad, kilalang boxing analyst, makata at awtor ng “Pacquiao: The Pacific Storm.”



Ang tagumpay ni Pacman ay tiyak na makatutulong upang muling lumakas ang loob ng mga Pilipino, magkakaroon ng pag-asa at maliligayahan pagkatapos ang daluyong na likha ng super-bagyong Yolanda na kumitil ng maraming bahay, nagwasak ng mga gusali, paaralan, bahay, simbahan, at naninira ng mga pananim, niyog at ari-arian.


Natitiyak ko na ngayong Linggo, lahat ay nakaabang sa pakikipagsuntukan ni Manny kay Brandon, kasama na ang libu-libong biktima ng bagyo na marahil ay manonood sa naisalbang mga TV dahil meron na yatang kuryente sa Leyte at Samar. Sa Metro Manila, tiyak ko ring nakatutokon ang mga tao sa TV, kokonti ang papasadang jeep, bus at taxi, at maging ang mga kriminal ay titigil sa masamang gawain.


Go Pacquiao, go, suntok, bira. Sana ay manalo ka versus Brandon Rios na 27 anyos lang kontra sa edad mong 34. Si Rios ay 5’8 samantalang si Manny ay 5’6 lang. Sana ay matatag pa ang iyong mga tuhod at kaya pang tumanggap ng ala-sipang kabayong mga suntok na minsan ay natikman mo mula kay El Dinamita (Juan Manuel Marquez) sa Las Vegas noon!


Noong Martes, ipinahayag ng United Nations na milyun-milyon pa rin daw Pinoy ang nagugutom sa kabila ng tone-toneladang relief goods at bilyun-bilyong pisong halaga na donasyon ng mga dayuhang bansa sa mga biktima ni Yolanda. Sinabi ni Mathew Cochrane, spokesperson ng UN Office for Coordination of Humanitarian Affairs na 375,000 lang sa may 13 milyon na apektado ng kalamidad ang nakatanggap na ng pagkain subalit may 2.5 milyon pa ang nangangailangan ng ayuda. Marami raw pagkain pero may problema sa paghahatid nito, lalo na sa malalayo at bulubunduking barangay.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PACQUIAO VS RIOS NGAYON


No comments:

Post a Comment