Wednesday, November 27, 2013

Willie, hinahanap ng mga pinangakuang staff

Willie Revillame


ANG daming text messages sa amin mula sa mga staff ng dating show ni Willie Revillame sa TV5 dahil ang pangakong tuluy-tuloy pa rin ang suweldo nila kahit tsugi na ang programa ay hindi naman daw tinupad.


Oo nga, natatandaan din namin ang pangakong ito TV host na binanggit pa niya sa ere at maging sa interviews niya at sinasabi rin niyang hindi niya pababayaan ang buong staff niya na umaasa sa show niya.



Pero heto, isang buwan na ang nakararaan na walang paramdam si Willie sa mga taong pinangakuan niya lalo na ang maliliit tulad ng utility, wardrobe/labandera at iba pa na naging loyalista sa kanya.


“Okay lang ang dancers, hosts, make-up artists may mga raket namang makukuha ‘yan. Eh, kaming maliliit na tao? Hindi naman kami puwedeng pumasok na sa ibang showkasi buo na ang tao ro’n, may mga sarili nang team.


“Saka sariling tao ni Willie kasi ang mga bitbit niya (sa TV5, galing ang karamihan sa ABS-CBN) kaya nu’ng mawala siya, walang sumalo kaya gutom kami,” kuwento sa amin ng ilang staff ng Wowowillie.


Tinext naman namin ang ibang kakilala naming co-host ni Willie sa dating programa niya tungkol sa pangako nitong tuluy-tuloy ang suweldo kahit na wala na sila sa ere, “Ay, wala po,” tipid na sagot sa amin.


Ano na nga ba ang nangyari sa mga pangako ni Willie sa mga tao? Nasaan na nga ba si Willie ngayon? –Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Willie, hinahanap ng mga pinangakuang staff


No comments:

Post a Comment