Wednesday, November 27, 2013

BIR, idinepensa ng Malakanyang

IDINEPENSA ng Malakanyang ang hakbang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hingin kay Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang kopya ng tax return na magpapatunay na nagbayad siya ng buwis sa Internal Revenue Service (IRS) sa Estados Unidos.


Ito’y may kinalaman sa kanyang mga naging laban na ginanap sa Amerika.


Ayon kay Presidential Communication Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma Jr. na ang anumang aksyon ng BIR ay naayon sa batas.


“Actions taken by the BIR have adhered to what the law requires,” ani Sec. Coloma.


Wala naman silang nakikitang dahilan upang magreklamo pa ang Pambansang Kamao nang panggigipit dahil binigyan naman siya ng pagkakataon ng BIR na tugunan ang naging kahilingan ng BIR sa kanya may ilang taon na rin ang nakararaan.


“He has been given ample opportunity to comply, and he will continue to be treated fairly. As a public official, it will be well for him to demonstrate that he, too, is a law-abiding citizen,” ang pahayag ni Sec. Coloma.


Nauna rito, ipinagsigawan ni Pacman na napolitilka siya sa bagay na ito dahilan upang maging ang kanyang mga tauhan ay hindi niya mapapasahod at ang tulong na ibinigay niya sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda na P1 milyon ay inutang pa niya dahil nga naka-freeze ang kanyang mga bank account.


The post BIR, idinepensa ng Malakanyang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BIR, idinepensa ng Malakanyang


No comments:

Post a Comment