Friday, November 1, 2013

Whistle blowers pinagkokomento sa ikinaso ni Revilla

PINAGKOKOMENTO ng korte ang mga whistle blower sa pork barrel scam sa pangunguna ni Benhur Luy, kaugnay sa inihaing kaso ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.


Sa kautusan ni Cavite RTC Branch 19 Judge Matias Garcia II, binibigyan ng 15 araw sina Luy kasama ang iba pang kinasuhan para sagutin ang isinampang reklamo ni Revilla.


Una rito, kinumpirma ni Atty. Levito Baligod, legal counsel ng whistle blowers, na natanggap na ni Luy noong Huwebes ang kopya ng declaration of nullity of certain documents na isinampa ni Revilla sa Cavite Regional Trial Court.


Ayon kay Baligod, mistulang panggigipit ang pagsampa ni Revilla ng kaso laban sa testigo na walang sapat na basehan.


Batay sa reklamo ni Revilla, hiniling ng senador na ideklarang null and void ang mga dokumento ni Luy dahil pineke lamang umano ang kanyang pirma.


The post Whistle blowers pinagkokomento sa ikinaso ni Revilla appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Whistle blowers pinagkokomento sa ikinaso ni Revilla


No comments:

Post a Comment