Friday, November 1, 2013

2 pulis inireklamo sa pagpapaputok ng baril

NAHAHARAP sa kasong illegal discharge of firearm in relation to COMELEC gun ban ang dalawang pulis dahil sa pagpapaputok ng armas dala ng labis na kalasingan sa magkahiwalay na insidente sa Napo at Magsingal, Ilocos Sur.


Kinilala ang mga suspek na sina SPO1 Niepo Alvarado Tabalbal at PO1 Federick Albo na miyembro ng Regional Public Safety Battalion Explosive Ordinance.


Sa ulat, nasa impluwensya ng alak na nagpunta si SPO1 Tabalbal sa bahay ni Luisa Tubon na kasalukuyang naroon din si SPO4 Alcadio Viloria.


Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang nagkaroon ng mainitang pagtatalo at tinutukan ni Tabalbal ng baril si Viloria.


Samantala sa kabilang panig, pinasok din ni PO1 Federick Albo ang bahay ni Isabelita Lamseta at nagkaroon din ng komprontasyon hanggang sa nagpaputok ang pulis ng tatlong beses.


Agad namang inireklamo ng ginang ang pulis sa Magsingal-PNP.


Nalaman na nagalit ang pulis dahil sa pagkatalo ng ama sa halalang pambarangay.


Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng kapulisan ang kalapastanganan ng mga naireklamong pulis.


The post 2 pulis inireklamo sa pagpapaputok ng baril appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 pulis inireklamo sa pagpapaputok ng baril


No comments:

Post a Comment