Friday, November 1, 2013

Scary costumes ‘wag ipasuot sa mga bata

UMAPELA sa publiko ang Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) na huwag ipasuot ang mga nakatatakot na costumes para sa All Saints Day.


Ayon kay Fr. Francis Lucas, Executive Sec. ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media, ang salitang “hallow” ay nangangahulugan ng “holy”.


Sinabi ni Lucas na nagsimula ang Halloween sa pagbibigay ng kahalagahan sa mga santo.


Ayon pa kay Fr. Francis Lucas, ang araw na ito ng Undas ay araw na inilaan para sa mga santo at banal.


Dapat aniyang ituro sa mga kabataan na tularan ang mga mabubuting gawain ng mga santo sa halip ang pag-idolo sa mga nakatatakot na nilalang tulad ng mga zombies, aswang, diyablo, engkanto, bruha at iba pa.


Tulad na lamang sa Santo Niño de Arevalo Parish sa Iloilo, kakaibang gimik ang ginawa ng mga kabataan doon na nagbihis santo sa halip na mga nakatatakot na hitsura.


The post Scary costumes ‘wag ipasuot sa mga bata appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Scary costumes ‘wag ipasuot sa mga bata


No comments:

Post a Comment