Sunday, November 17, 2013

Wala na ngang naitulong, nang-iintriga pa!

MAY mga tao talagang malupit at mapang-intriga. Nitong nakaraang delubyo na Yolanda, wala na silang ginawa kundi mamintas ng mga taong nagbigay o nag-ambag ng kanilang mga tulong sa mga naging biktima ng malupit na si Yolanda. Meron tayong mga artista na sadyang bukas ang mga palad para tumulong sa mga nasalanta. May mga namigay ng kanilang donation sa kanilang nakayanan, sila iyong mga celebritity na parati naming nakikita at nababasa sa mga pahayagan. Hindi na lamang namin papangalanan basta saludo kami sa kanilang kabutihan at kabayanihan.


At heto ka, meron kaming nabasa nang ganito. Talbog ng megastar si Kris Quino sa bigay na donasyon. P400,000.00 lamang ang nai-donate ng ex ni James Yap samantalang ang megastar ay nagbigay raw ng sampung milyong piso. Madre Mia! Kailangan pa bang ipagkumpara ang mga bigay ng sinong donor na kanilang nakayanan? Sasabihin pang ang dami ng milyones ni Kris at maliit lang ang ibinigay sa mga typhoon victim at nakabalandra pa sa Facebook ang cheque na bigay ng queen of all media.


Hindi intensiyon ni Kris na i-post ang kanyang cheque at lalong hindi siya ang naglagay sa Facebook kundi ang recepient nito, ang Ormoc City, na balwarte ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez at hindi lamang iyon ang bigay ni Kris, nakapag-solicit pa ito ng mga goods para sa mga biktima ng kalamidad, hindi lamang para sa Ormoc kundi sa iba’t ibang mga lugar sa Visayas na nasalanta. Kaya ka- yong mga intrigera riyan, manahimik na kayo kung wala rin lang kayong maitutulong. Ako nga kahit paano, ang aking nakolektang fees dito sa Remate ay naibigay ko sa isang foundation, may maiambag man lamang ako.


Enough muna tayo sa delubyo. Mag-down memory lane tayo.


Noong early fifties hanggang kalagitnaan ng seventies ay merong kakaibang patimpalak ng kagandahan na tinawag nilang Miss Philippines Press Photography 1959. Ang winner that time ay ang 17 year old na starlet ng LVN Pictures na si Milagros Sumayao (Mila Ocampo ). Ang ganda-ganda ng nanay ni Snooky that time at ang katawan, walastik talaga. Bilugan at hindi sila mga mukhang malnourished tulad sa ngayon na nagpapayatan. Tama ang mga sukat ng kanilang mga katawan that time.


Sumunod na kinoronahan ay si Edita Vital, 1960, at napili rin itong mag-represent ng Pilipinas sa Miss Universe Contest. 1961 naman ay ang 18 years old na estudyante ng college of education sa UST na si Cynthia Ugalde na nag-represent naman sa Miss International. 1962-63 si Sylvia Gumabaona, tiyahin nina Isabel Rivas at Dennis Roldan, at ang first runner-up yata niya (hindi ako sure kung itong year na ito ay si Helen Gamboa), yes Virginia! bata pa si Miss Helen Gamboa noon at ang puti-puti. Parang labanos sa kaputian.

1964, walang naging contest.

!965 ng muling naibalik ang Miss Philippines Press Photograpy at si Elvira Gonzales of UST ang kinoronahan (nanay ni Charlene Gonzales Bonnin Muhlach) at ang first runner-up naman niya ay si Jackie Nielsen ang tinaguriang’Twiggy of the Philippines’. Pagkaraan ng isang taon ay ang aming mga kaibigang starlets naman ang sumabak sa nasabing contest na sina Minda Morena (Irish Constable in real life ) at ang singer actress na si Clarita Rivera.(Victoria Abistado-Dinulos) mga runner-up sila ni Norma San Luis Miranda. Ang bawat kandidata ay nagre-represent ng mga publication, magazine man o newspaper. Pati na rin ang radio mayroon ding kandidata.


Sana’y maibalik itong muli sa tulong ng National Press Club. Natigil kasi ito noong 1978 na ang Miss Press Photography that year ay si Amparito Regatillo. Ciao Bambino!


The post Wala na ngang naitulong, nang-iintriga pa! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Wala na ngang naitulong, nang-iintriga pa!


No comments:

Post a Comment