Sunday, November 17, 2013

Kelot pinatay sa lamayan sa Pangasinan

PATAY ang isang lalaki matapos barilin sa isang lamayan sa Rosales, Pangasinan.


Kinilala ang biktima na si Felipe Milanio, 53, ng nabanggit na bayan.


Ayon sa impormasyon, dumalo sa lamay ang biktima sa kanilang lugar nang barilin ng mga suspek na kinilalang sina Paing Estanto at Wilfredo Casingal, mga residente rin ng nabanggit na lugar.


Patay ang mga biktima sa tama ng bala sa leeg.


Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ang dalawang suspek na agad tumakas matapos ang krimen.


Inaalam na ang motibo sa krimen.


The post Kelot pinatay sa lamayan sa Pangasinan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot pinatay sa lamayan sa Pangasinan


No comments:

Post a Comment