Sunday, November 17, 2013

Kris, Vice at Angel, ‘di matutuloy sa Leyte


HINDI matutuloy sina Kris Aquino, Vice Ganda at Angel Locsin ngayong araw sa pagpunta sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda na hindi pa naabot ng tulong dahil hindi sila pinayagan ng ABS-CBN.



” Alam naming gustung-gustong makatulong nina Vice, Angel at Kris at ramdam mo na talagangnag-effort sila like si Kris, nag-hire ng eroplano na magdadala ng relief goods para sa mga hindi pa naaabot ng tulong,” paliwanag ng taga-ABS-CBN na nakausap namin. “As much as we want to, paano kung may mangyari sa kanila? Sino ang manana got ? Kasi baka imbes na makatulong, eh, baka mapasama pa kasi lalo na ngayon, galit na ang mga tao dahil hindi pa nga nakakarating ‘yung ibang relief goods sa kanila.”


In-annouce ni Kris sa KrisTV na ngayong araw ay pupunta siya ng Leyte para magdala ng 10 tons of relief goods. Ipinahiram daw ng Air Asia ang kanilang eroplano nang libre at panggasolina na lang ang gagastusin niya.


“The good fortune na nabigay, because yesterday I was feeling .. desparate, sabi ko nakakahiya na tanggap tayo nang tanggap ng goods pero hindi natin pa napapakita sa mga tao na umaabot sa kanila talaga na personal nating dinadala,” say pa ni Kris sa kanyang programa.


“Ang dami kong naging kaibigan recently and Air Asia, which bought Zest (Air), changed pala their fleet. They were so nice to me kasi may commitment ako on Sunday with Sagip Kapamilya to bring ten tons of these goods to Leyte.


“They gave it to me na ang cost lang to me was the fuel charge. Sabi ko, kung hindi ka bubunot sa sarili mong bulsa at maghihintay ka pa, kawawa naman ang mga nangangailangan. ”


Ayon pa sa aming source, “Magpa-plano ulit this week kung paano madadala ‘yung relief goods sa Leyte.” – Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kris, Vice at Angel, ‘di matutuloy sa Leyte


No comments:

Post a Comment