Saturday, November 2, 2013

Wade, nagbalik sa starting lineup

NEW YORK (AP)- Nagbalik si Dwyane Wade sa starting lineup ng Miami kontra sa Brooklyn matapos na pagpahingahin ito

sa pagkatalo ng Heat noong Huwes laban sa Philadelphia.


Inamin kahapon ni coach Erik Spoelstra na wala namang problema sa kalusugan ni Wade, kung saan ay naging “proactive” lamang ang Heat sa pagpapahinga dito sa kanilang ikalawang laro matapos ang dalawang sunod na mga laro. Sinabi ni Spoelstra na gagamitin niya si Wade sa bawat laro para sa back-to-back.



‘’Dwyane feels great,’’ pagmamalaki ng coach. ‘’He’s strong, he’s fit.’’


Sinabi naman ni Wade, nilabanan ang problema sa tuhod sa nakaraang season, na hangad niyang makapaglaro noong Huwebes ngunit pumayag ‘di kalaunan nang sabihan siya ng Heat trainers na mas makabubuting magpahinga muna siya na anila’y, ‘’smart thing.’’


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Wade, nagbalik sa starting lineup


No comments:

Post a Comment