Saturday, November 2, 2013

Nanalong kandidato kinuyog ng 2 talunan

GENERAL SANTOS CITY – Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang dalawang natalong kandidato sa nakaraang barangay elections makaraang kuyugin at pagsasaksakin umano ng mga ito ang isang waging kandidato sa Lake Sebu, South Cotabato.


Sinabi ng pulisya na pinagtulungan umano ng dalawang talunang kandidato na sina Erning Mangilay at Dante Ala si Rolly Panaligan, nanalo bilang barangay councilor ng Barangay Luhib, sa Sitio Mololao.



Binibisita ng biktima ang kanyang mga tagasuporta sa pangunguna ng isang lider ng tribu na si Maligen Sudaw na pagtulungan nina Mangilay at Ala, dagdag pa sa imbestigasyon.


Ayon sa mga testigo, pinagsasaksak ni Mangilay ang biktima sa kainitan ng kanilang pagtatalo habang binunot naman ni Ala ang kanyang baril at itinutok sa mukha ni Panaligan.


Pinalad naman ang biktima na hindi pumutok ang baril subalit ilang ulit naman itong pinagsasaksak ni Mangilay. – Joseph Jubelag


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Nanalong kandidato kinuyog ng 2 talunan


No comments:

Post a Comment