Saturday, November 2, 2013

Erik Santos, kabado at emosyonal sa papalapit na concert

Ni Remy Umerez


ERIK Santos SOBRANG dami ng showbiz personalities na nagdiwang ng kanilang kaarawan nitong Oktubre. Halos magkalapit ang mga birthday nina Boy Abunda at Erik Santos.


Higit pa rito ay ipinagdiriwang ni Erik ang tenth year niya sa showbiz via a concert sa PICC on Nob. 9 entitled InTENse.



Ano ang ipinagkaiba nito sa mga nagdaang concerts niya? “Mas emotional at malalim po ang pinaghuhugutan,” pakli ni Erik.


Kaya kaakibat nito ang kaba at sobrang pressure na palaging nararamdaman ng Prince of Pop tuwing magko-concert siya. May twerking kayang magaganap para ito lalong mapag-usapan?


“May nag-suggest na sumayaw ako at sinunod ko naman po, ” pag-amin ni Erik.


Ang birthday wish ng balladeer ay maging ganap na sold-out ang concert.


Pero ayon sa nasagap naming information sa concert scene ay sold-out ang mamahaling tickets ng PICC show ni Erik, pagpapatunay lamang na may captive market talaga siya.


Pawang bigating divas ang susuporta kay Erik, kabilang na sina Pops Fernandez, Yeng Constantino, Ai Ai delas Alas at Ms. Regine Velasquez-Alcasid. Sa hanay pa lamang ay waging-wagi na ang anniversary concert ng Prince of Pop.


Samantala, ini-release ng Star Records ang bagong album ni Erik, a compilation of hits mostly theme songs ng iba’t ibang teleserye na napanood sa Kapamilya Network.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Erik Santos, kabado at emosyonal sa papalapit na concert


No comments:

Post a Comment