Ni Ador Saluta
UMALIS nitong nakaraang Martes papuntang Tokyo, Japan ang pamilya ni Batangas Governor Vilma Santos para sa much-needed vacation, ayon sa aming impormante.
Kasama ni Ate Vi sa bakasyon ang asawang si Sen. Ralph Recto, anak na si Ryan Christian, ang kanyang Ate Emily kasama ang anak, ang kanyang trusted assistant na si Aida Fandialan, at ilan pang BFF (bestfriend forever) niya.
Dahil may tinatapos pang taping ang kanyang panganay na si Luis Manzano, humabol na lang ito the next-day (October 30) para makapiling ang mga mahal sa buhay sa kanilang Japan escapade.
Magsisilbi ring bonding ito nina Ate Vi at Luis since alam naman ng lahat na Luis is nursing a broken heart sa paghihiwalay nila ni Jennylyn Mercado kamakailan.
Ayon sa aming source, sa Japan na rin daw isi-celebrate ni Ate Vi ang kanyang 60th birthday. Taon-taon ay nakagawian na ni Ate Vi na ipagdiwang ang kanyang birthday sa ibang bansa. Last year, sa Thailand nagbakasyon at nagdiwang ng kaarawan ang Star for All Seasons kasama rin ang kanyang pamilya.
“Bihira kasing pagkakataon para siya makapag-recharge. Kailangan din niya ng mahaba-habang bakasyon,” sabi pa ng aming spy mula sa Batangas.
Senior citizen na si Ate Vi simula bukas (November 3), at sa kanyang pagbabalik-Tinas sa Nobyembre 5, ang kanya namang supporters at fans ang kanyang haharapin para sa isang post-birthday treat.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment