Friday, November 1, 2013

Undas website para sa OFW, binuhay

Binuhay ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang proyektong Undas online upang tumanggap ng mga kahilingan mula sa mga Pinoy sa ibang bansa para maipagdasal ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay na hindi nila personal na nadalaw sa Todos Los Santos o Araw ng mga Patay.



Ayon sa CBCP media office, nasa ikatlong taon na ngayon ang naturang programa na patuloy na umaani ng positibong feedback mula sa mga overseas Filipino worker (OFW).


Anang CBCP, kinakailangan lamang ng mga OFW, na hindi makakauwi upang bumisita sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, na bisitahin ang website na www.undasonline.com kung saan sila maaaring magsumite ng kanilang kahilingan sa panalangin.


Kailangan lamang umanong i-click ang “Prayer Request” button at ilista ang pangalan ng yumaong mahal sa buhay na nais mag-alay ng dasal.


Bukod sa prayer request, nagaalok rin ang website ng mga audio at video teaching hinggil sa kahalagahan ng liturhika at tunay na kahulugan ng pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.


Ang mga misa naman para sa intensiyon ng mga naturang OFW ay idinaraos simula kahapon, Nobyembre 1 hanggang sa Nobyembre 8 sa CBCP chapel sa Intramuros, Manila. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Undas website para sa OFW, binuhay


No comments:

Post a Comment