Friday, November 1, 2013

Coach Garcia, dismayado sa kabagalan ng ManCom

Ni Marivic Awitan


Hindi lamang ang San Beda College ang apektado sa lumabas na kontrobersiyang kinasangkutan ng kanilang point guard na si Ryusei Koga.



Maging ang mga koponang nakasama nilang umusad sa Final Four round ay hindi naitago ang pagkadismaya sa mga nangyari. “Sana matapos na iyan kasi ang daming affected,” pahayag ni Letran coach Caloy Garcia na umaming nahihirapan sila sa kanilang ginagawang preparasyon dahil hindi pa sila nakasisiguro hanggang ngayon kung sino talaga ang kanilang makakalaban sa semifinals.


Base sa naunang schedule, nang hindi pa pumuputok ang kaso ng paglalaro sa isang liga ni Koga, dapat na makakatunggali ng Knights ang San Sebastian College Stags base sa crossover format sa semis dahil sa nakaraang eliminations ay tumapos na No. 2 ang Letran sa nangunang Red Lions habang nakamit ng Stags ang third spot matapos talunin ang University of Perpetual Help Altas sa playoff.


“They (Management Committee) should come up with the decision as early as possible. Kasi mahirap dahil hindi namin alam kung sino talaga ang kalaban sa Final Four, so hindi din makumpleto ‘yung preparation kasi siyempre, magkakaiba naman ng style at magkakaiba din ng rosters ang mga team,” ayon kay Garcia.


“Ang hirap din ng ganito kasi parang wala ka ring advantage. Kasi problema ‘yung conditioning sa haba ng break,” dagdag pa ni Garcia. Kung sakali kasing mapatunayan na nagkasala si Koga, malalaglag sa No. 4 spot ang San Beda at aakyat ang Letran at sila ang magtutuos sa Final Four.


“May mangyayari ba sa ginagawang imbestigasyon? Sana kung sapat naman ‘yung ebidensiya at malinaw, makagawa na agad ng desisyon kasi mahirap ding maghanda ng ganito na nanghuhula ka kung sino ‘yung kalaban,” pahayag naman ni Altas coach Aric del Rosario.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Coach Garcia, dismayado sa kabagalan ng ManCom


No comments:

Post a Comment