Saturday, November 9, 2013

Vietnam binabayo na ni ‘Yolanda,’ mass evacuation ipinatupad

SINIMULAN nang bayuhin ng bagyong Yolanda ang Vietnam na kaagad ipinatupad ang mass evacuation sa mga residenteng nasa daanan ng supertyphoon Haiyan.


Sa ngayon, nasa 100,000 katao na ang inilikas sa central Vietnam.


Kabilang sa mga inilikas ay mula sa lalawigan ng Danang at Quang Ngai habang inilagay na sa high alert ang bansa.


Isinara na rin ang mga paaralang nasa dadaanan ng bagyo.


Ayon kay Vietnam Prime Minister Nguyen Tan Dung, bagama’t bahagya nang humina ang bagyo, isa pa rin itong supertyphoon.


Hindi na rin pinayagan ang mga barko na makapaglayag habang nag-abiso na ang flag carrier na Vietnam Airlines sa kanselasyon ng biyahe ng eroplano bukas.


The post Vietnam binabayo na ni ‘Yolanda,’ mass evacuation ipinatupad appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Vietnam binabayo na ni ‘Yolanda,’ mass evacuation ipinatupad


No comments:

Post a Comment