Saturday, November 9, 2013

US medical team aayuda sa ‘Yolanda’ victims’

TINATAHAK na ng 18-member US medical-surgical team ang Tacloban City para sumaklolo sa mga naging biktima ng bagyo sa Visayas.


Ayon sa Philippine Embassy to US, nakipag-ugnayan sa kanila ang naturang grupo bago nagtungo sa Pilipinas upang magbigay ng medical support.


Bitbit din ng mga ito ang maraming gamot at pasilidad na makatutulong sa mga nasugatang residente.


Una rito, iniulat ng Philippine Red Cross (PRC) na may mga pagamutang naapektuhan ng supertyphoon kaya kinakailangan ang pagtatayo ng mga pansamantalang pagamutan na pagdadalhan ng mga biktima ng kalamidad.


The post US medical team aayuda sa ‘Yolanda’ victims’ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



US medical team aayuda sa ‘Yolanda’ victims’


No comments:

Post a Comment