Wednesday, November 20, 2013

Vatican hanga sa katatagan ng mga Pinoy

INIHAYAG ng isang kinatawan ng Vatican ang labis nilang paghanga sa katatagan na ipinakita ng mga Pinoy sa gitna ng pananalasa ng super bagyong Yolanda sa bansa noong Nobyembre 8.


Ayon kay Monsignor Paul Tighe, secretary of the Pontifical Council for Social Communications at siya ring manager ng Twitter account na @Pontifex ni Pope Francis, hindi lamang ang pagkakaisa ng mga Pinoy ang nasaksihan ng Vatican sa panahon ng pananalasa ng super bagyong Yolanda, kundi maging ang “extraordinary generosity, care at consideration’ ng mga ito.


“They (Yolanda victims) used their own resources and we want to boost your confidence. We pray for you at this time, we offer you our support and assistance that we can,” paliwanag pa ni Tighe, na kasalukuyang nasa bansa upang maging keynote speaker sa 2nd Catholic Social Media Summit na gaganapin sa November 23 -24 sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila.


Idinagdag pa nito na sa pamamagitan ng social media, nakarating kaagad sa kaalaman ng lahat ang sitwasyon ng bansa at kung paano makatutulong at susuportahan ang mga survivors.


Tiniyak rin naman nito na ang buong Catholic Church sa buong mundo ay nag-o-organisa na ng kanilang suporta para sa mga Yolanda survivors.


Ipinaabot din ni Tighe sa mga Pinoy ang pagtiyak ng Santo Papa ng suporta sa lahat.


The post Vatican hanga sa katatagan ng mga Pinoy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Vatican hanga sa katatagan ng mga Pinoy


No comments:

Post a Comment