Wednesday, November 20, 2013

Leptospirosis, tetano umutas ng 4 sa Tacloban

TIG-DALAWANG kaso ng leptospirosis at tetano ang naitala ng Department of Health (DOH) na pawang ang mga biktimang namatay ay mula sa Tacloban City matapos manalasa ang bagyong Yolanda.


Sa isinagawang briefing, napag-alaman ng DOH na nalublob sa baha ang mga biktima habang may mga sugat sa paa.


Sa 22 kaso ng na-tetano, dalawa na rin ang namatay.


Tumataas na rin ang kaso ng diarrhea sa lungsod na umaabot na ngayon sa 138.


Patuloy naman ang pag-iikot ng surveillance team ng DOH kasabay ng pamimigay ng gamot lalo na sa mga residente ng mga lugar na lubog pa rin sa baha.


Hiniling na rin ng DOH na ma-declog ang creek sa Marasbaras, Tacloban para hindi na maimbak ang tubig at makaiwas ang mga residente sa sakit.


The post Leptospirosis, tetano umutas ng 4 sa Tacloban appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Leptospirosis, tetano umutas ng 4 sa Tacloban


No comments:

Post a Comment