Wednesday, November 20, 2013

Field clinic itinayo ng DoH para sa Yolanda victims

NAGTAYO ang Department of Health (DOH) ng isang field clinic sa Rajah Lakandula Building sa loob ng Joint Task Force (JTF) Compound ng Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City, kung saan dadalhin ang lahat ng evacuees mula sa Tacloban City para sa health at medical treatment.


Ayon kay DOH– National Capital Region (NCR) Director Eduardo C. Janairo , lahat ng residente ng Tacloban na magtutungo sa Metro Manila ay direktang dadalhin sa naturang field clinic para sa madaliang medical assessment sa kanila.


Bukod dito ay magtatayo rin sila ng hiwalay na klinika para sa mga buntis at mga nagpapasusong ina, kabilang na ang milk bank para sa pangangailangan ng mga sanggol at upang makakolekta rin ng human milk para sa mga nais mag-donate ng kanilang labis na breast milk.


“For those needing referrals and higher emergency level of treatment, an ambulance will be ready to transport them to a bigger hospital for proper management and medication. We will be processing medical check-ups for at least 1,000 patients a day. This will be opened for 24/7 and will remain in service as long as there are evacuees arriving in Manila from affected areas in the Visayas,” ani Janairo.


Kabilang din sa health services na ipagkakaloob ng field clinic para sa mga evacuees ay pneumococcal vaccine para sa mga nasa edad 45 pataas, anti-measles vaccine para sa mga bata, oral polio vaccine (OPV), tetanus toxoid vaccine at iron supplement para sa mga buntis, vitamin A capsules para sa mga 12-59 buwang gulang at breast milk para sa mga sanggol.


Mayroon ding water sanitation and hygiene (WASH) team na tutukoy sa potability ng inuming tubig sa lugar, mangangasiwa sa solid waste management at excreta disposal, at magkakaloob ng disinfection at anti-dengue operations sa mga itinakdang evacuation areas sa Metro Manila.


Magkakaroon din aniya ng medical at dental services kabilang na ang psychological first aid activity at stress debriefing na ibibigay ng mga trained health professionals mula sa National Center for Mental Health (NCMH), DOH-NCR, local government units (LGUs) at volunteer groups.


The post Field clinic itinayo ng DoH para sa Yolanda victims appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Field clinic itinayo ng DoH para sa Yolanda victims


No comments:

Post a Comment