Saturday, November 9, 2013

3 bayan ng Cebu, nasa state of calamity

NAGDEKLARA ng state of calamity ang tatlong munisipalidad sa probinsya ng Cebu makaraang bayuhin at wasakin ang kanilang lugar ng bagyong Yolanda.


Nabatid na ang sinalanta ng bayong Yolanda ay ang munisipalidad ng Daanbantayan, Medellin at San Remegio sa hilagang bahagi ng Cebu.


Nabatid na noong kasagsagan ng bagyo, kasama ang nabanggit na mga lugar sa direktang dinaanan ng sama ng panahon.


Sa Daanbantayan, siyam katao ang naitalang patay samantalang tatlong katao naman ang natagpuang wala nang buhay sa Medellin.


Sa ngayon, pahirapan pa rin ang makapasok sa mga lugar na labis na naapektuhan ng bagyo, gaya ng Medellin, Santa Fe, San Remegio, Daanbantayan at Bantayan Island na wala pa ring kuryente at linya ng komunikasyon.


The post 3 bayan ng Cebu, nasa state of calamity appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3 bayan ng Cebu, nasa state of calamity


No comments:

Post a Comment