Saturday, November 9, 2013

UPDATE: Nonito Donaire, wagi via TKO vs Darchinyan

MULING tinalo ni “The Filipino Flash” Nonito Donaire Jr. ang raging bull na si Vic Darchinyan sa kanilang rematch sa Texas, kaninang umaga, Linggo sa Pilipinas.


Sa pamamagitan ng kaliwang kamao, pinatihaya ni Donaire sa lona ang Armenian boxer sa ika-siyam na round. Tinawag na “the most dangerous punch” ng HBO Boxing ang suntok na ito ng Pinoy boxer.


Nagawa pang makatayo ni Darchinyan, pero muling binakbakan ni Donaire kaya itinigil na ng referee ang laban.


Dahil sa panalo via technical knockout (TKO), 32 wins -2 losses, 21 KO na ang record ni “The Filipino Flash”.


Matapos manalo, sinabi ni Donaire sa HBO Boxing, “I put my heart in it and I said that I will never, ever quit.”


Unang tinalo ng Pinoy ang Armenian noong 2007.


Bago ang laban kay Darchinyan, inihayag pa ni Donaire na iniaalay niya ang laban sa mga kababayang biktima ng lindol at bagyo sa bansa.


Inihayag naman nito sa Top Rank Boxing na sunod niyang target ang rematch kay Guillermo Rigondeaux.


Bago ang bakbakang Donaire-Darchinyan, nagwaging WBO Junior middleweight champ si Demetrius Andrade laban kay Vanes Martirosyan.


The post UPDATE: Nonito Donaire, wagi via TKO vs Darchinyan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Nonito Donaire, wagi via TKO vs Darchinyan


No comments:

Post a Comment