Saturday, November 9, 2013

DoH officials nagtungo na sa Visayas

NAGTUNGO na sa Visayas ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) upang personal na tumulong sa mga biktima ng super bagyong Yolanda.


Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng DOH at director ng National Epidemiology Center (NEC), mismong si Health Secretary Enrique Ona ang nanguna sa DOH officials para alamin at tugunan ang pangangailangang serbisyong medikal ng mga biktima ng super bagyo, partikular na ang nasa evacuation centers.


Nabatid na kabilang sa mga dala ng DOH officials ay mga gamot laban sa tetano at leptospirosis.


Inaasahan ding ia-assess ng health officials ang health situation sa lugar at pangangasiwaan ang isasagawang mass burials ng local officials sa mga nasawi dahil sa bagyo.


Kasama rin nina Ona at Tayag sa pagtungo sa Leyte si Health Undersecretary Janet Garin, na dating mambabatas ng Iloilo.


Samantala, umaapela rin ang DOH sa mga may mabuting puso at mga pribadong sektor na magkaloob ng tulong sa mga nabiktima ng super bagyo, partikular na sa pangangailangang medikal ng mga ito.


Ayon kay Tayag, kailangan nila ng mas maraming volunteer doctors at nurses, gayundin ng mga gamot para sa mga biktima.


Bukod naman sa mga gamot, nangangailangan din ang DOH ng body bags para sa mga bangkay na hindi pa kaagad mailibing.


Gumagawa na rin ang DOH officials ng mga kaukulang hakbang upang mapigilan ang anumang health risks mula sa mga bangkay.


Isa ang Philippine Red Cross (PRC) sa inatasan ng DOH upang magdala ng mga body bags sa mga lugar kung saan maraming bangkay ang nakitang nakakalat at palutang-lutang.


Batay sa pagtaya ng mga awtoridad, posibleng aabot sa 10,000 katao ang namamatay sa super bagyo, sa Leyte pa lamang.


The post DoH officials nagtungo na sa Visayas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DoH officials nagtungo na sa Visayas


No comments:

Post a Comment