Saturday, November 9, 2013

Heat silat sa three-pointer ni Green

ISANG pamatay na three-pointer ang kinana ni Jeff Green upang itakas ng Boston Celtics ang 111-110 panalo kontra two-time defending champions Miami Heat kaninang umaga sa 2013-14 National Basketball Association, (NBA) regular season.


Nahanap ni Gerald Wallace si Green na nag-aabang sa right corner kung saan ay dun binitawan ng huli ang pandiin na tres para ilista ang tatlong sunod na panalo ng Boston at ipinta ang 3-4 win-loss slate.


Sumalpak muna ng layup si Wallace may 1.6 segundo na lang sa fourth canto upang tapyasin ang lamang ng Heat sa dalawang puntos, 108-110.


Foul agad ang iginawad ni Wallace kay Heat star player Dwyane Wade may 0.6 na lang sa orasan.


Sablay ang dalawang free throws ni Wade kaya nagkaroon ng pagkakataon na bumalik sa Boston ang bola.


Tumapos si forward Green ng 24 puntos at limang rebounds habang nag-ambag ang dalawang point guard na sina Avery Bradley at Jordan Crawford ng 17 at 15 pts. ayon sa pagkakasunod.


Tumikada si four-time NBA-MVP LeBron James ng 25 markers, 10 assists at walong boards para sa Heat habang bumakas sina Chris Bosh at Wade ng 20 puntos at 18 pts. subalit hindi ito sumapat para ipanalo ang koponan.


Nalasap ng Heat ang unang kabiguan sa home court kaya naman may tatlo na silang talo sa pitong laro.


Samantala, tinarak ng Indiana Pacers ang pang-pitong panalo matapos patahimikin ang Brooklyn Nets, 96-91.


Pakay ng Pacers na makuha ang No. 1 sa Eastern Conference at ngayon ay sila na ang nangunguna sa kartang 7-0.


Sa ibang kaganapan, kinalmot ng Memphis Grizzlies ang Golden State Warriors, 108-90 habang kinaldag ng 2011 NBA Champions Dallas Mavericks ang Milwaukee Bucks, 91-83.


The post Heat silat sa three-pointer ni Green appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Heat silat sa three-pointer ni Green


No comments:

Post a Comment