Friday, November 8, 2013

UPDATE: Mahigit 100 na ang patay kay Yolanda sa Leyte

TINATAYANG mahigit sa 100 bangkay ang inisyal na nabalitang nagkalat sa mga kalsada ng Leyte matapos ang paghagupit ng bagyong Yolanda kahapon.


Ayon sa ulat sa radyo, isang residente ng Leyte ang nagbalitang nag-iiyakan ang mga tao sa kalsada sa tabi ng mga bangkay habang kinumpirma rin ito sa panayam sa radyo kay Civil Aviation Authority of the Philippines Deputy Director Capt. John Andrews.


Ayon kay Andrews, alas-5:00 ng madaling-araw aniya nang matanggap niya ang text message kung saan bukod sa mga nagkalat na labi sa mga kalsada, higit 100 din ang sugatan.


Humihiling ang mga ito ng tulong na ma-rescue sila mula sa lugar.


Patuloy naman ang pagkumpirma sa ulat na ito.


Nagiging balakid sa pagkalap ng impormasyon sa pinsala at mga nasawi ang naparalisang linya ng komunikasyon sa lalawigan matapos pabagsakin ng bagyo ang mga cell site at poste ng kuryente.


The post UPDATE: Mahigit 100 na ang patay kay Yolanda sa Leyte appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Mahigit 100 na ang patay kay Yolanda sa Leyte


No comments:

Post a Comment