Friday, November 8, 2013

Napolcom: Mas mabigat na parusa vs exam cheating

Ni Czarina Nicole Ong


Magpapataw ng mas mabigat na parusa ang National Police Commission (Napolcom) sa ano mang uri ng pandaraya sa entrance at promotional exam ng Philippine National Police (PNP).



Base sa Memorandum Circular 2013-007 na inilabas kahapon, inaprubahan ni Interior and Local Government Secretary at Napolcom Chairman Mar Roxas ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga masasangkot sa cheating, collusion (kutsabahan), misrepresentation, substitution at iba pang uri ng anomalya na may kaugnayan sa police examination.


Sinabi ni Napolcom Vice-Chairman at Executive Officer Eduardo U. Escueta na marami nang pagkakataon na may nadiskubreng pandaraya sa mga PNP examination, na aniya ay nakakasira sa imahen ng Pambansang Pulisya at Napolcom.


Mayroon din aniyang mga tiwaling indibidwal na gumagamit ng pekeng Napolcom police eligibility.


“To maintain the integrity and sanctity of the Napolcom examinations, the Commission approved the new memorandum circular which imposes stiffer sanctions on all cases of cheating and other anomalous acts relative to the conduct of the police examinations,” sabi ni Escueta.


Nakasaad sa Napolcom circular na idedeklarang imbalido ang resulta ng eksaminasyon kapag ang kumuha ay gumamit ng ibang pangalan, gumamit ng kodigo, binago ang exam records, nakipagkutsabahan sa examination personnel, examination number switching at iba pang uri ng panlilinlang.


Kapag napatunayang lumabag sa Napolcom directive, kakasuhan ang tiwaling pulis ng dishonesty at maaaring masibak sa serbisyo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Napolcom: Mas mabigat na parusa vs exam cheating


No comments:

Post a Comment