Friday, November 8, 2013

Pamilya Gutierrez, gagawa ng family reality show

GUTIERREZ Family


Ni Reggee Bonoan


NA-INSPIRE ang pamilya Gutierrez sa Keeping Up With The Kardashians kay a magpo-produce na rin sila ng kanilang reality show. Idea ni Raymond Gutierrez ang nasabing family reality show ngayong nagkataon na lahat sila ay walang exclusive contract sa alinmang network. Ang kakambal niyang si Richard na pinakapribado sa kanilang magkakapatid ang una niyang kinumbinsi at nang pumayag ay saka niya kinausap ang iba pang mga kapatid at magulang na pumayag din.



Sa presscon ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ay humarap ang padre de pamilya na si Eddie, asawang si Annabelle Rama at sina Ruffa, Raymond at Richard.


Ipo-produce ang reality show ng TV 100 ng One Media Group, Royal Era Entertainment at Inside Showbiz at ayon kay Annabelle ay ang tatlong anak ang main producer kaya maghahati-hati sila sa kita unlike sa ibang mga anak niya na per taping ang bayad.


Paliwanag ni Mike Carandang, head ng TV 100, ipakikita raw sa show kung ano ang ginagawa ng buong pamilya sa araw-araw nang walang kaplastikan pati na ang conversations nila.


“They will allow the cameras to follow them, witness everything that happens at napapayag ko po sila na no holds barred. (They’ll) be honest kung sino sila, kung hindi maganda, ipapakita rin, pati maganda,” say ni Mike siya ring magdidirek ng nasabing reality show. Kuwento ni Annabelle, makikita kung anong klaseng pamilya sila at ‘yung totoo lang talaga ang ipakikita nila sa harap ng kamera pati ang itsura nila ‘pag bagong gising ay walang edit-edit.


Kasama rin ang iba pang anak nina Eddie at Annabelle na sina Rocky, Elvis, at Ritchie Paul with dalawang apong sina Lorin at Venice.


May nagtanong tuloy kung wala na raw bang ibang apong makikita ang viewers, na ang tinutukoy ay ang diumano’y anak ni Richard kay Sarah Lahbati. Game namang sumagot si Annabelle na abangan para malaman kung ilan talaga lahat ang apo niya.


Join din daw sa reality show ang mga dyowa ng mga anak na sinanga yunan naman ni Richard, dahil alam naman ng lahat na girlfriend niya si Sarah.


Willing si Richard na mag-share ng kanyang pagkatao at excited na siya dahil baka pati sila ay ma-surprise sa mga mangyayari since tala gang free-flowing daw ito.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pamilya Gutierrez, gagawa ng family reality show


No comments:

Post a Comment