Wednesday, November 13, 2013

UPDATE: Death toll sa bagyong Yolanda 2,357 na

SUMIRIT sa 2,357 at may posibilidad na umakyat pa ang bilang ng mga kumpirmadong namatay sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa Visayas.


Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa nasabing bilang, nasa 77 pa ang nawawala habang nasa 3,853 ang nasugatan.


Karamihan sa mga namatay ay mula sa lalawigan ng Leyte lalo na sa Tacloban.


Nasa 1.7 million na pamilya o katumbas ng 8 milyon katao ang naapektuhan ng kalamidad mula sa Regions 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 8, 10, 11 at CARAGA.


Sa ngayon ay mahigit sa kalahating milyong katao pa ang patuloy na inaayudahan ng gobyerno na karamihan ay nasa evacuation centers.


Nabatid na umabot sa 236,989 na bahay ang winasak ng bagyo.


Sa ngayon ay nasa P4 bilyon na ang inisyal na pinsala ng kalamidad sa imprastraktura at agrikultura maliban pa sa mga ari-arian.


The post UPDATE: Death toll sa bagyong Yolanda 2,357 na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



UPDATE: Death toll sa bagyong Yolanda 2,357 na


No comments:

Post a Comment