Wednesday, November 13, 2013

Fuel supply sa sinalanta ni Yolanda natutuyo na

NAUUBUSAN na ng fuel supply maging ang mga lugar na hindi sinalanta ng bagyong Yolanda.


Hindi man sinalanta ng bagyo ang Borongan, Eastern Samar; Catbalogan City at Calbayog City ay dama na rin sa mga lugar ang kahirapan ng panahon.


Sa Borongan, bumuhos ang mga tao na mula sa ibang mga karatig lugar dahil sa kawalan ng suplay ng pagkain, gutom at makabili ng gas.


Ang iba ay naglakad pa ng ilang kilometro pero pagdating sa Borongan ay pahabaan din ang pila maging ang pagbili sa bigas.


Nagkaubusan na rin ng fuel dahil sa walang rasyon ang gas stations.


Maging ang mga water station ay tumigil na rin sa pagtinda dahilan sa kawalan ng suplay ng koryente.


Ayon sa ilang mga residente at mga negosyante apektado na ang kanilang hanapbuhay kabilang na rito ang mga namamasada at mga mangingisda kaya naitala rin ang panic buying.


Sa Samar area naman lalo na sa Catbalogan at Calbayog na katabing lugar ng Tacloban City ay pahabaan ang pila sa mga remittance center at iba pa.


Lalo na sa mga gas stations bunsod ng kakulangan din ng delivery ng gas supply.


Nagdulot ito ng mahabang pila mula sa mga motorista at mga residente.


The post Fuel supply sa sinalanta ni Yolanda natutuyo na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Fuel supply sa sinalanta ni Yolanda natutuyo na


No comments:

Post a Comment