Wednesday, November 13, 2013

MM mayors pipili ng bayan na tutulungan

PIPILI ng mga lalawigan ang bawat alkalde sa Metro Manila na kanilang tutulungan makaraang salantain ng superbagyong Yolanda.


Nagpasya ang bawat Metro Manila mayors na mag-adopt ng hindi bababa sa dalawang bayan o lungsod na sinalanta ng bagyong Yolanda sa Visayas upang tulungan.


Ang tutulungang lugar ay matapos malaman na hirap pa rin ang bawat local government units (LGUs) sa mga lugar na apektado ng kalamidad na bumangon mula sa sakuna dahil mismong mga lokal na opisyal ay biktima rin ng kalamidad.


Ayon kay MMDA chairman Francis Tolentino, nagsagawa ng emergency meeting ang mga Metro Manila mayors kaugnay ng kalamidad sa Visayas na napagkasunduan ang long term solution sa mga nabiktima ng sakuna.


Ayon kay Tolentino, ang bawat LGU sa Metro Manila ay maaaring magpadala ng administrator, doctors, engineers at iba pa upang pangangasiwaan ang rehabilitation program.


Mayayaman ang mga lungsod sa Metro Manila na kayang mag-adopt ng hanggang sa lima o higit pang lugar sa Visayas at aayudahan hanggang sa makarekober sa kalamidad.


Ngayong araw ay ilalabas ng MMDA kung ano-anong mga lugar sa Visayas ang tutulungan ng bawat lungsod sa Metro Manila.


The post MM mayors pipili ng bayan na tutulungan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MM mayors pipili ng bayan na tutulungan


No comments:

Post a Comment